Militanteng grupo, nagsagawa ng kilos protesta sa tanggapan ng DepEd para kondenahin ang pagpapasara sa 54 Lumad schools sa Davao

Kinalampag ng mga militanteng grupo bitbit ang kani-kanilang mga plakard, sumugod sa tanggapan ng Department of Education sa Pasig ang nasa 70 mga militanteng grupo.

Kinokondena ng grupong Save our Schools Network, ang pagpapasara ng 54 Lumad schools sa Davao Region dahil sa kakulangan umano ng requirements.

Paliwanag ng grupo, ang hakbang umano ng DepEd na ipasara ang Lumad schools na pinapatakbo at pag-aari ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center ay paglabag sa Right to Education ng mga batang Lumad.


Nais anila ng DepEd ay hindi mamulat sa tunay na katotohanan ang mga Lumad para patuloy lang silang lokohin, apihin at tanggalan ng karapatan para madali lang nila agawin ang lupang ninuno na siyang buhay ng mga katutubong Lumad.

Sinisi rin nila si Anti-Insurgency Task Force National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. dahil sa sulsol nito na ginagamit ang Lumad Schools na Training Center ng NPA.

Facebook Comments