Militanteng grupo sa NAMASUN kinondena ang pagpatay sa kanilang lider sa Alegria, Surigao Del Norte Kinondena ng militanteng grupo sa Nagkahiusang Mag-uuma nan Surigao Del Norte (NAMASUN) ang nangyaring pamamaril at pagpatay kay Meliton Catampungan, 60 taong gulang na nagsilbing Chairman sa bayan ng Alegria, Surigao Del Norte. Ayon kay Noel Doromal ng NAMASUN malaking kawala ang pagkamatay ni Catampungan lalo na’t ito ang kumikilos para sa kapakanan ng mga magsasaka. Diumano’y malaki ang kanilang paniniwala na posibleng may kinalaman ang 30th Infantry Batallion ng Phil. Army sa nangyari dahil noon pa, sinasabi ng mga ito sa mga tao na huwag sumali sa NAMASUN, ang mga lider mga tebelde. Noong Mayo ngayong taon, iilang lalaki ang nakitang nagmamanman kay Catampungan hanggang sa pinatay noong Hulyo 10. Sa panig naman ng 30IB sa pamamagitan ng Spokesman Lt. Jonel Castillo, binigyangdiin na wala silang kinalaman sa krimen at riding in tandem ang mga suspek. Tinukoy na hindi nila kilala si Catampungan at posibleng propaganda lamang ito lalo na’t pinapatupad pa ang Martial Law sa Mindanao.
Sent from my iPhone