Military at Police Generals, binigyan na rin ng go signal ni Pangulong Duterte para silipin ang kanyang bank accounts

Manila, Philippines – Binigyan na rin ng go signal ng Pangulong Duterte ang mga heneral ng AFP at PNP para silipin ang kanyang bank accounts sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinabi ng Pangulo na maraming kaibigan sa AMLC ang mga heneral kaya maari silang dumerekta sa naturang tanggapan upang makumpirma kung talagang mayroon siyang bilyun-bilyong pisong tagong-yaman.

Maaari aniya siyang ipatanggal sa pwesto ng AFP at PNP generals kapag napatunayan ng mga ito na may ganun siya kalaking pera.


Facebook Comments