Military base na itinatayo ng China sa West Philippine sea, malapit nang matapos ayon sa Asian Maritime Institute of Technology

Manila, Philippines – Malapit nang matapos ang mga military bases na itinayo ng China sa West Philippine sea.
 
Ayon sa mga inilabas na litrato ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), tuloy pa rin ang konstruksyon ng China ng mga base militar sa pinag-aagawang teritoryo.
 
Kabilang sa mga konstruksyon na malapit nang matapos ay sa fiery cross reef, mischief reef at subi reef kung saan mayroon na itong mga hangar na kayang paglagyan ng 24 na combat aircraft.
 
Ayon sa defense expert na Professor Jose Antonio Custodio – dapat itong tutukan ng Association of Southeast Asian Nations dahil nalalagay sa alanganin ang seguridad sa rehiyon.
 
Bahagi aniya ang matamlay na posisyon ng gobyerno sa kabila ng positibong desisyon ng un arbitral tribunal.
 
Payo ni Custodio sa gobyerno, huwag basta magpadala sa mga ibinibigay ng China.
 
Samantala, nakatakdang pumunta sa China si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo para makipag-usap at maglatag ng kasunduan para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Photo from: amti.csis.org



Facebook Comments