Anim na drug suspek, arestado sa Taguig City matapos makuhanan ng ₱3-M halaga ng shabu

Huli ang anim na drug suspek matapos makuhaan ng ₱3 milyong halaga ng shabu sa Barangay Ususan, Taguig City.

Batay sa ulat ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, ang mga nahuli ay kinilalang sina Menandro Martin, 46 anyos, Emerito Eusebio Jr, 53 anyos, Paul John Miranda, 29 anyos, Neil Corpuz, 52 anyos Paul Santos, 34 anyos at Nicanor Radores, 40 anyos.

Sa operasyon ng mga tauhan ng SPD, nakuha sa mga ito ang ₱3 milyong halaga ng shabu.


Nakuha rin ang isang caliber 45 na baril.

Sa ngayon, nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act and Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments