Military plane ng Amerika, bumagsak sa Mississippi; labing anim na sundalo, patay

Mississippi – Patay ang 16 katao sa pagbagsak ng isang US military plane sa southern state na Mississippi sa Amerika.

Ayon kay Fred Randle, county emergency management director – bumagsak ang eroplano sa soybean field sa Sunflower-Leflore County Line.

Agad naman kinumpirma ng US marine corps na kanila ang kc-130 plane na nag-crash pero hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye sa dahilan ng pagbagsak.


Ang mga namatay ay pawang sakay ng marine corps aircraft kung saan wala ni-isang nakaligtas.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments