DNA matching sa mga bangkay na narekober Marawi, sinimulan na; resulta, aabutin ng halos isang buwan

Marawi City – Sinimulan na ng ante-mortem team ng PNP-crime lab ang DNA matching sa pagtukoy sa mga narerekober na bangkay sa Marawi City.

Ayon kay Ante-Mortem team leader P/Supt Reynaldo Calaoa – upang mapadali ang dna matching, kukunin ang dna samples sa mga kaanak ng mga nawawala.

Makakatulong din ang dental at finger print record.


Dadalhin ang DNA samples sa Camp Crame para iproseso at i-match na tatagal ng isang buwan.

Oras na matukoy ang pagkakakilalan ng bangkay ay agad itong ibibigay sa pamilya, pero kung walang mag-claim ay mananatili ito sa pansamantalang kulungan.

Sinabi ni Calaoa na libre ang DNA prosesing at magtungo laban sa PNP crime lab ng region-10.

Sa ngayon ay nagtayo na ang mga otoridad ng missing person centers sa Iligan at Lanao Del Norte.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments