Cauayan City, Isabela- Sinira ng mga awtoridad ang libu-libong marijuana plants noong July 1, 2021 sa Tulgao East, Tinglayan, Kalinga.
Magkatuwang itong sinira ng pwersa ng Kalinga PPO, RID/RSOG/RPDEU, RIU 14 at PDEA Kalinga na tinatayang aabot sa 1,350 square meters mula sa dalawang plantasyon sa nabanggit na lugar.
Nagkakahalaga ito ng higit P2 milyon (Php 2,700,000.00) pesos o katumbas ng 13,500 fully grown marijuana plants.
Ang nasabing hakbang ng pulisya ay sa ilalim ng ‘OPLAN 15 muggles’ kung saan patuloy ang pagsugpo sa mga drug-affected areas sa probinsya partikular sa Tinglayan.
Matapos ito ay agad din na sinunog sa lugar ang mga nasirang tanim na marijuana ngunit walang napanagot na suspek sa likod ng malawak na taniman.
Tiniyak naman ng pulisya na patuloy ang kanilang gagawing hakbang para tuluyang masugpo ang iligal na taniman ng marijuana.