Milyong milyong deboto ng mahal na Birhen Nuestra Sra. De Penafrancia ang dadagsa ngayong araw dito sa Naga City para sa gaganaping taunang FLUVIAL PROCESSION sa Naga River.
Pagkatapos ng isang banal na misa sa Metropolitan Cathedral mamayang alas 3 ng hapon ito ay ipuprusisyon patungo sa Naga River at isasakay sa pagoda patungo sa Basilica Minore na kanyang orihinal na tahanan.
Noong nakaraang Sept. 7 ay ginanap ang “Traslacion Procession” kung saan dinala ang imahen ng Birheng Peñafrancia mula sa Basilica Minore patungo sa Metropolitan Cathedral na kanyang naging pansamantalang tahanan sa loob ng ilang araw.
Ang debosyon ng mga bikolano kay Nuestra Sra. De Peńafrancia na kung tawagin ay “INA” ay nagsimula 308ng taon na ang nakararaan matapos na dalhin dito sa lungsod ng Naga ang imahen ng Birheng Peñafrancia ni Miguel Robles de Cobbaruvias ng Espanya.
Samantala, muli na naming isa-shutdown simula ngayong alas 12 ng tanghali ang signal ng mga telecom bilang bahagi ng security measures ng otoridad para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga deboto.
Viva La Virgen!!! Viva El Divino Rostro!!! VIVA!!!
photo credit: roel saldico 2017 news
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Mike Marfega, Tatak RMN!
Milyong mga Deboto ng BIRHEN DE PEŃAFRANCIA Dagsa Ngayon sa Naga City Para sa FLUVIAL PROCESSION
Facebook Comments