MINALIIT | Mga pahayag na walang impeachable offense si CJ Sereno, premature – Cong. Umali

Manila, Philippines – Tinawag na premature ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali ang mga komento ng mga kritiko na walang nagawang impeachable offense si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Umali, hindi niya alam kung saan hinuhugot ng mga kritiko ang kanilang mga komento gayong hindi naman nila nakita ang nilalaman ng complaint laban sa Chief Justice.

Hanggat hindi pa ito naibabasura sa Senate Impeachment Court ay premature na matatawag na walang paglabag si Sereno.


Samantala, kumpiyansa si Umali na tatayo sa Senado ang impeachment case laban kay Sereno.

Sinabi ni Umali na hindi na sila mahihirapan ngayon dahil hawak na nila ang mga ebidensya, hindi gaya noong impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona na wala silang ebidensya.

Facebook Comments