MINALIIT | Rigodon sa Kamara, dinedma ng ilang kongresistang inaalok sa posisyon

Manila, Philippines – Minaliit ng Kamara ang patuloy na umuugong na rigodon sa liderato ng Mababang Kapulungan.

Matagal-tagal nang umiikot ang impormasyon na si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang papalit kay Speaker Pantaleon Alvarez habang si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco naman ang ipapalit kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Iginiit ni Velasco na tsismis lamang ang isyu ng rigodon sa Kamara.


Pero, sinabi ni Velasco na kung sakaling magkatotoo ang pagpapalit ng liderato sa kamara ay handa siyang tumayo bilang Majority Leader ng kapulungan.

Samantala, kahit ang House Minority Bloc ay binabalewala ang isyu ng pagpapalit ng lider ng Kamara.

Unang lumutang ang isyu ng pagpapalit ng lider ng Kamara kasunod ng pagbangga ni Speaker Alvarez sa dati niyang kaibigan na si Cong. Antonio Floirendo na kinasuhan pa niya ng katiwalian dahil sa TADECO-BUCOR deal.

Facebook Comments