PETISYON | Sister Fox, pormal nang naghain ng petition for review sa DOJ

Manila, Philippines – Pormal nang naghain ng petition for review sa Dept. of Justice si Sister Patricia Fox matapos na ikansela ng Bureau of Immigration ang kanyang missionary visa

Sa kanyang petisyon, hiniling ni Sister Fox na mabaliktad ang desisyon ng BI at maibalik ang kanyang missionary visa.

Iginiit ng Australian missionary na ang paglahok niya sa mga rally ay bahagi ng kanyang misyon bilang madre para itaguyod ang kapayapaan, katarungang panlipunan at karapatang pantao.


Ang mga aktibidad aniyang ginamit na batayan laban sa kanya ay saklaw din ng freedom of expression at right to peaceably assemble na ginagarantiyahan ng Saligang Batas at ipinaiiral din maging sa mga dayuhan na naninirahan sa Pilipinas.

Facebook Comments