Halos tatlong linggo ang ginawang paghahanda ng kapulisan ng Cagayan de Oro, Police Regional Office 10, Task Force Oro at 4th ID Philippine Army para sa nagpapatuloy na Mindanao Business Conference 2017.
Ito ang inihayag ni Cagayan de Oro City Police Office o COCPO Spokesperson Police Chief Insp. Mardy Hortillosa II.
Ayon kay Hortillosa na ginagawa nila ang lahat upang maging mapayapa ang aktibidad at ligtas ang lahat ng mga bisita.
Mula airport hanggang sa kani-kanilang hotel ay may mga police escort ang mga bisita upang matiyak ang kaligtasan nito.
Gusto ring ipakita ng kapulisan lalo na sa mga taga ibang lugar na iba ang ipinatupad na Martial Law ngayon sa Martial Law noon.
Samantala, inaasahan ring dadalo sa okasyon ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
Mindanao Business Conference sa Cagayan de Oro, halos tatlong linggong pinaghandaan ng kapulisan at militar
Facebook Comments