Tiniyak ng Transportation Department sa Kamara na tuloy na tuloy ang Mindanao Railway Project sa susunod na taon.
Sa pagdinig ng 2021 budget ng Department of Transportation (DOTr) sa House Committee on Appropriations, siniguro ni Transportation Secretary Arthur Tugade na matutuloy ang pagtatayo ng ₱82.9 billion na first phase ng Mindanao Railway Project.
Sinabi naman ni Assistant Secretary for Project Implementation-Mindanao Cluster Eymard Eje na nasa proseso pa lamang sila ng procurement para sa project management consultant.
Nagkaroon lamang aniya ng delay sa proyekto dahil hinintay pa nila mula sa Chinese company ang shortlist ng bidders para sa contractor ng nasabing proyekto at dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Paglilinaw pa ni Eje, wala pa rin silang napipiling contractor sa proyekto kaya walang katotohanan na nagpapalit-palit sila ng contractor kaya nabibinbin ang proyekto.