Mindanao, uulanin dahil sa LPA

Mindanao – Patuloy na magpapaulan ang trough o buntot ng Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.

Sa Visayas, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan lalo na sa Negros at Cebu.


Maaliwalas na panahon ang asahan ngayong araw sa buong Luzon na may posibildad ng isolated rainshowers sa gabi.

Perfect weather ang Metro Manila para sa ASEAN 2017 dahil walang sama ng panahon na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 24 hanggang 32 degrees celsius.

Sunrise: 5:56 ng umaga
Sunset: 5:24 ng hapon

Facebook Comments