Matataas na kalibre ng baril, narekober ng militar sa isang lawa sa Marawi

149

Marawi City – Aabot sa 30 high-powered firearms ang narekober ng militar sa Barangay Marinaut, Marawi City.

Ayon sa militar, nagsasagawa sila ng search and clearing operation nang mapansin ng isa sa kanilang kasamahan ang mga baril na nasa ilalim ng lawa sa tabi ng Bandariingin mosque.

Naniniwala ang militar na itinapon ng ISIS-Maute ang kanilang mga armas sa tubig noong papatapos na ang bakbakan.

Patuloy naman ang search and clearing operation ng militar sa lawa para matiyak na wala ng armas sa ilalim nito.

Facebook Comments