*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng pamunuan ng Mines and Geosciences Bureau Region 2 ang usapin tungkol sa hindi pag ooperate ng malaking minahan sa Probinsya ng Nueva Vizcaya na Oceana Gold Philippines sa Didipio sa Bayan ng Kasibu.
Sa panayam ng programang *Straight to the Point* kay Regional Director Mario Ancheta, maaari namang mag operate ang nasabing kumpanya kahit na pending pa ang renewal ng Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA).
Ayon pa kay RD Ancheta, nilinaw nito na tanging rekomendasyon lang ang kanilang gagawin dahil ang presidente lang ang magdedesisyon kung kanyang pipirmahan ang nasabing renewal ng kumpanya.
Paliwanag pa nito na batay sa isinagawang inisyal na evaluation ng Mines and Geosciences Bureau sa kumpanya na Oceana Gold ay ‘well and good’ ang operasyon ng kumpanya kaya’t inihain nila ang rekomendasyon sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni RD Ancheta na ang Dinayuan River hanggang Dalen ay Irrigation Project ng Quirino na nagsusuplay ng patubig sa malaking bahagi ng sakahan ng Quirino at Isabela at wala pa umano silang natatanggap na reklamo sa maruming tubig nito.
Kaugnay nito, ibeberipika naman ng Mines and Geosciences Bureau ang tungkol sa naging pahayag ni Governor Carlos Padilla na may isang kumpanya ang magsasailalim sa bidding ng Oceana Gold Philippines Inc.