Cauayan City, Isabela- Magpapamigay ng libreng mini dumptruck ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa 16 na barangay sa forest region ng Lungsod ng Cauayan.
Ito ay makaraang ianunsyo ni Governor Rodito Albano III ang pamimigay ng nasabing sasakyan sa mga piling barangay sa buong lalawigan.
Bukod dito, nakatakdang magpamigay din ng patrol cars ang LGU Cauayan sa mga barangay sa lungsod ngayong malaking hamon para sa mga opisyal ng barangay pagtugon sa COVID-19 makaraang ilunsad ang ‘𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗢, 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗞𝗢 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟’.
Nagsagawa ng pagsananay ang LGU sa mga opisyal ng barangay para sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa kanilang nasasakupan habang isang paraan ng kanilang pagsasanay ay ang pagbibigay ng isolation tent na gagamitin ng mga sasailalim sa strict quarantine.
Alinsunod ang hakbang na ito na ibinaba ng Department of Health (DOH) at paghahanda sakaling magdagsaan ang pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individual.
Ikinokonsidera naman ngayon bilang karagdagang pasilidad ang mga eskwelahan sa bawat barangay.