Albay, Philippines – Nahaharap ngayon sa tax evasion case sa Department of Justice ang isang opisyal ng mining company na nakabase sa Bicol region.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR)-region 5, nasa kabuuang 28-milyong piso ang hindi nabayarang buwis ng Antones Enterprises na pag-aari ni Antonio Ocampo Jr. para sa taong 2010.
Paglabag naman sa section 255 ng Tax Code of the Philippines ang isinampang reklamo ng BIR laban sa negosyanteng si Beethoven Delos Santos, may ari ng BDL Santos Construction & supply ng Bitano, Legaspi City, Albay.
Ito’y dahil sa 13-milyong pisong buwis na hindi rin nabayaran ng kumpanya ni Delos Santos.
Naging basehan din ng reklamo ang umano’y pagbalewala ng dalawang negosyante mula sa Bicol ang mga naunang mga notice, gaya ng letter of authority, subpoena duces tecum, preliminary assesmemt notices, formal letters of demand, final letter of demand at iba pa mula sa BIR.
DZXL558