MINOLESTIYA | Pangulong Duterte, inaming tinalikuran na niya ang pagiging Katoliko

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinalikuran niya ang pagiging Katoliko matapos makaranas ng sexual abuse mula sa isang pari noong high school.

Ayon kay Duterte, pagkatapos mangyari ang insidente ay gumawa siya ng sarili niyang Diyos na nagpapahalaga ng hustisya at kabutihan.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, malalim at matibay ang kanyang pananampalataya sa kanyang Diyos.


Sinabi rin ng Pangulo na handa itong magbitiw sa pwesto kapag napatunayang totoo ang Diyos sa pamamagitan ng pag-selfie.

Una nang ibinunyag ng Pangulo na ang namayapang si Fr. Mark Falvey ang nangmolestya sa kanya at iba pang estudyante noong siya pa ay nag-aaral sa Ateneo de Davao University.

Facebook Comments