Umapela si Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi dapat patayin ang mga negosyo ng plano ng gobyerno na dagdag na buwis sa mga matatamis na inumin at junkfoods.
Ayon kay Pimentel, suportado niya ang nasabing tax proposal dahil ito naman ay manggagaling sa administrasyon at bukas naman ang kanilang isipan sa minorya sa ganitong panukala.
Subalit, iginiit ng senador na dapat maging makatwiran ang pagdadagdag ng buwis sa mga sweetened beverages at junkfoods at hindi ito dapat mauwi sa pagsasara ng mga maliliit na negosyo.
Para sa mambabatas, mahalagang matiyak na “reasonable” kung ilang percentage ng rate ng buwis ang idadagdag upang magtuluy-tuloy pa rin ang mga negosyo.
Ngayong taon, target na ipatupad ng Marcos administration ang mga bagong tax measures kabilang dito ang dagdag na buwis para sa mga matatamis na inumin at junkfoods.