*Hinahanda na ng kampo ni Misamis Oriental 1st district Congressman Peter Unabia ang kanilang counter affidavit may kinalaman sa kasong land grabbing na isinampa laban sa kaniya sa tanggapan ng Ombudsman.*
*Ayon kay Atty. Dale Mordeno, ang legal counsel ni Cong. Unabia na sinampahan ang kaniyang kliyente ng kasong land grabbing nina Edward at Raida Layagon, sa tulong ng kanilang abugado na si Atty. Carrasco, may kinalaman sa lupa na siyang pinagtayoan ni Cong. Unabia ng establisyemento.*
*Mariing iginiit ni Atty. Mordeno na may dokumento ang pagbili ni Cong. Unabia sa nasabing lupa, kabilang na ang kasunduan na pinirmahan ng complainant na si Edward Layagon na siyang nagpapatunay na tumanggap ito ng bayad niing Hulyo 30 taong 2016. *
*Ayon kay Atty. Mordeno na walang kinalaman ang kasong land dispute sa pagiging opisyal ni Cong. Unabia, walang ebidensya ang mga complainant na mag uugnay kay Cong. Unabia na nang-abuso o gumawa ng katiwalian at naniniwala ito na hindi mare-resolba ng Ombudsman ang motibo sa nasabing reklamo.*
*Iginiit ni Atty. Mordeno na ang nasabing kaso ay puro hearsay lamang at walang mga katibayan.*
*By: Joanna Ricote*
Misamis Oriental 1st District Congressman Peter Unabia, nakahandang harapin ang kasong land grabbing na isinampa laban sa kaniya sa Ombudsman.
Facebook Comments