Misis-Patay, Sundalo Sugatan Matapos Sumemplang sa Kalsada!

6312

Cauayan City, Isabela- Patay ang misis ng isang sundalo matapos maaksidente pasado alas 9:00 kagabi sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela partikular sa boundary ng bayan ng Gamu at City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jzel Borja Agustin, 30 taong gulang, habang ang asawa nitong sundalo ay kinilalang si Mark Lan-lan Tamayo, nasa hustong gulang, nakatalaga sa kampo ng 5th Infantry Division Philippine Army at kapwa residente ng Purok3, Brgy.Guibang, Gamu, Isabela.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSgt Virgilio Agustin Jr, imbestigador ng PNP Gamu, binabagtas ng mag-asawa ang kahabaan ng Gamu patungong Lungsod ng Ilagan lulan ang Honda click na walang plaka nang bigla umanong nadulas at natumba sa daan ang motorsiklo kaya’t tumilapon ang sakay nitong mag-asawa.

Agad na itinakbo sa hospital ang backrider na misis subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) matapos makapagtamo ng serious head injury.

Ayon pa kay PSSgt Agustin Jr, walang suot na helmet ang mag-asawa nang bumaybay sa lansnagan.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Isabela Provincial Hospital ang sundalo habang nakaburol na sa kanilang tahanan ang nasawing asawa.

Patuloy naman ang paalala ng PNP sa pagsusuot ng Helmet at responsableng pagmamaneho.

Facebook Comments