Thursday, July 9, 2026

Mismong salita ni VP Duterte na papatayin nya sa PBBM, sapat at matibay na ebidensya laban sa kanya

Iginiit ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na hindi matitibag ang ebidensya ng pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., 1st Lady Liza Marcos at dating speaker Martin Romualdez.

Diin ni Tinio, matibay ang ebidensya dahil ito ay nagmula mismo sa bibig o salita mismo ni VP Duterte na binabantaan nya ang buhay ng pangulo at iba pang personalidad.

Sabi ni Tinio, wala ng iba pang maaring maging interpretasyon sa sinabi ni VP Sara sa online press conference nya noong November 23, 2024 na mayroon na syang kinontrata para pumatay kay PBBM, 1st lady at Romualdez.

Dagdag pa ni Tinio, bigo din ang defense team na matibag ang kredibilidad ni National Bureau of Investigation (NBI) agent John Mark Calilung na syang testigo na iniharap ng prosekusyon sa impeachment trial.

Facebook Comments