
Nagpasalamat si dating DILG Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos siyang italaga bilang bagong Cabinet Secretary.
Ayon kay Abalos, malaking karangalan para sa kanya ang muling mapagkatiwalaan ng pangulo at mabigyan ng pagkakataong makapaglingkod sa administrasyon.
Gagampanan niya ang bagong tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at nakatuon sa paghahatid ng resulta para sa mamamayang Pilipino.
Bilang Cabinet Secretary, kabilang sa magiging trabaho ni Abalos ang pagtulong sa pangulo sa pagbibigay ng mahahalaga at estratehikong payo kaugnay ng mga isyung pambansa, lokal, at pandaigdigan.
Facebook Comments










