Miss Millennial Ilocos Norte, Kinoronahang Bayanihan Queen 2017 ng Eat Bulaga!

Tinanghal na Miss Millennial Bayanihan Queen 2017 si Dianne Irish Joy Lacayanga ng Ilocos Norte sa katatapos na Grand Coronation Day ng Miss Millennial 2017 ng Eat Bulaga na ginanap sa Mall of Asia Arena ngayong September 30, 2017.

Nakuha nya ang pinakamaraming text vote mula sa pagbabayanihan ng mga Ilocano at sa lahat ng nagmamahal kay Miss Ilocos Norte 2017.

Nakapag uwi ng isandaang piso bilang premyo sa pagkakatanghal bilang Miss Millennial Bayanihan Queen 2017.


Tatanggap din ang probinsiya ng Ilocos Norte ang premyong 1 Million Pesos at igagawad para sa napiling livelihood program-ang Inabel Weaver ng Paoay.

Si Miss Millennial Camarines Sur Julia Gonowon ang tinanghal na Miss Millennial Philippines 2017.

Miss Millennial 3rd Runner Up naman si Miss Millennial Malabon Shiara Joy Dizon, Miss Millennial 2nd Runner Up Miss Millennial Aklan Eleonora Valentina Laorenza at Miss Millennial First Runner Up Miss Millennial La Union Carino Cariño.

Facebook Comments