Global Cebu FC at Hougang United muling maghaharap sa second leg ng semifinals ng 2017 RHB Singapore Cup

Sports – Tatangkain ng Global Cebu FC na maging kauna-unahang Pilipinong ball club na makapasok sa Finals ng Singapore Cup.

Muling haharapin ng mga Cebuano ang Hougang United para sa second leg ng kanilang semifinal showdown mamayang ala siyete y media ng gabi sa Hougang Stadium.

Kahit tatlong pambato nito ang wala sa line-up dahil sa mga injury…nagawang itabla ng Global ang unang leg kontra sa Hougang sa brace ni Darryl Roberts.


Target din ni Global coach Akbar Nawas na maging kauna-unahang Singaporean na makakapagdala ng Pinoy ball club sa Finals ng Singapore Cup.

Facebook Comments