Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw si Miss World Philippines 2012 3rd Princess April Love Jordan.
Si April Love ay pumanaw noong Biyernes sa edad lamang na 31 matapos ang pakikipaglaban sa sakit na liver cancer.
Bukod sa Miss World Philippines, sumali rin ang beauty queen sa Binibining Pilipinas 2009 kung saan siya ay nakaabot hanggang sa top 10, Mutya ng Pilipinas 2006 (2nd Runner-Up), Miss Philippines Earth 2006 (Finalist) at International Beauty & Model Festival 2009 (Winner).
Si April ay nagtapos ng tourism, hotel and travel industry management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Facebook Comments