Tinaguriang “cocaine king” ng Italy, nakatakas sa kulungan

122

Ikinasa ang malalimang imbestigasyon at man-hunt operation matapos makatakas sa kulungan sa Uruguay ang kilalang ‘cocaine king’ ng Italya.

Mula pa noong 2017 ay nakakulong na si Rocco Morabito sa Uruguay pero habang hinihintay ang pag-extradite sa kanya sa Italy nitong linggo ay tumakas siya.


Kasama ang tatlong kasamahan, tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagsira ng bubong ng National Rehabilitation Center.

Miyembro si Morabito ng “Calabrian Ndrangheta Drug Group”, ang pinakaorganisadong crime group at pinakamalaking cocaine importers ng South America.

Facebook Comments

From Advertisers