Mission 2019 ng RMN at IFM Dagupan, matagumpay na naisagawa

Matagumpay ang isinagawang Mission 2019 kasabay ng pagdiriwang ng 67th year anniversary ng Radio Mindanao Network sa Juan P. Guadiz Elementary School sa Poblacion Oeste, Dagupan City.

Isinagawa ang libreng medical check-up, free dental check-up at linis ng ngipin na hatid ng 702 Infantry Brigade at ng Virgen Milagrosa University Foundation. Naghatid din ng libreng gupit para sa mga bata at magulang hatid ng Tesda Pangasinan at libreng feeding na inihatid ng Masarap Grill.

Ayon sa Station Manager ng iFM Dagupan na si Mark Gemson Espinosa, ito umano ay isang serbisyo publiko para sa masang Pilipino na alinsunod sa layunin ng RMN na makatulong sa mga tao.


Nabigyan din ng libreng school supplies at vitamins ang mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6.

Samantala, walang hanggang pasasalamat naman mula sa pamunuan ng RMN Networks at iFM Dagupan sa mga sponsors na katuwang sa pagbibigay ng serbisyo publiko at sa mga listeners nito na walang sawang sumusporta sa one of the largest network in the Philippines, ang Radio Mindanao Network.

Lubos din ang pasasalamat ng RMN at IFM Dagupan sa mga naging katuwang na sponsors upang maisagawa ang nasabing event: Double V Production, Café Peri , TGIR Resto Bar and Catering Services, Tesda Pangasinan , Mcdonalds, Mrs.G Cakeshop, National Grid Corporation of the Philippines, Enteng Cheesedesal, Shield Bath Soap, Unique Toothpaste, Masarap Grill, Biohealth Med Pharma Trading, Herbycin, JB Bagoong, Happy House Print Works, Queen Butterfly Events Styling and Catering, Psalmstre Enterprise, DRX Sign Maker, Radio Mindanao Network Foundation Incorporated. Ilan pa sa nagbigay ng kanilang suporta ay sina Mayor Brian Lim, Vice Mayor Brian Kua at Coun. Cisco Jay Flores ng Dagupan City Government.

Facebook Comments