Mister, Huli sa Drug Buy Bust Operation!

*Aglipay, Quirino-* Sa kulungan ang bagsak ng isang mister matapos mahuli sa drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) at Municipal Police Station sa Purok #2, Barangay San Ramon, Aglipay, Quirino.

Kinilala ni P/Capt. William Agpalza, Acting Chief of Police ng PNP Aglipay ang newly Identified na si Kennedy Ulila, 28-anyos, may-asawa at residente ng Purok #2, Barangay San Ramon, Aglipay, Quirino.

Nasamsam sa pag-iingat ni Ulila ang isang posporo o match box na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana kabilang ang marked money na P300.00 na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer na alagad ng batas.


Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Agpalza, ilang araw nang minamanmanan ang kinikilos ni Ulila hanggang sa magpositibo na nagbebenta ito ng iligal na droga kaya’t agad na ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkahuli nito.

Sinabi pa ni P/Capt Agpalza, nanggaling umano ang nasabing pinatuyong dahon ng marijuana sa Baguio City at dito ibinabagsak kay Ulila upang ibenta sa kanyang mga parokyano na ngayon ay tinutukan na ng pulisya.

Agad na sinampahan ng kaso si Ulila na may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Facebook Comments