Mister, kinasuhan ang misis at kalaguyo matapos maaktuhang nagtatalik sa Isabela

Manila, Philippines – Huli sa akto ng mister ang pagtatalik ng kanyang asawa sa isang kalaguyo sa bayan ng Ramon, Isabela.

Sa ulat, nagising ang mister na hindi na papangalanan sa kanyang pagkakatulog nang makarinig ito ng kakaibang ingay sa loob ng kanyang bahay.

Dito naaktuhan ng mister ang kanyang misis na itatago sa pangalang ‘Bernadette’ at kalaguyong itatago sa pangalang ‘Rolando’.


Lumalabas na may asawa rin ang kalaguyo.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang mister at kinasuhan ng concubinage at adultery ang dalawa.

DZXL558

Facebook Comments