Pagtangay ng lalaki sa cellphone ng isang babae sa loob ng mall sa Cavite, huli sa CCTV

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pagtangay ng lalaki sa isang mamahaling cellphone sa loob ng isang mall sa Imus, Cavite.

Sa video, makikita ang suspek na palipat-lipat sa mga magkakatabing tindahan ng cellphone.

Ilang sandali, dumating ang biktimang si Cherry Dellosa kasama ang kanyang nanay.


Ayon kay Dellosa – nakipagkita siya sa suspek na nagpakilalang si Jayner Rashid at nagkasundo sila na ibebenta ang iPhone 7 na napanalunan niya sa raffle sa halagang 30,000 pesos.

Kwento pa ng biktima, magkasama sila ng escalator dahil magwi-withdraw ang suspek ng pambayad pero bigla na lang itong nawala tangay ang cellphone.

Bukod sa suspek, sinampahan ng kasong estafa ang tindera at technician ng electronic shop.

DZXL558

Facebook Comments