Lumabas sa isang pagsasaliksik na mas mahaba at matalino ang mga mister na mahilig tulungan ang kanilang misis sa gawaing bahay.
Ayon kay Dr. Huang Wei Li ng Taiwan ang mga lalaking mas maraming gawa sa gawaing bahay ay mas mataas ang EQ (emotional quotient) at mas masaya kumpara sa mga lalaking ayaw o sakto lang sa pagtulong sa gawaing bahay.
Pahayag ni Li, ang mga lalaking masisipag sa gawaing bahay ay may tatlong benepisyong nakukuha – mataas na EQ, malusog na pangangatawan at healthy lifestyle.
Kung sa pag-uwi galing sa trabaho at tuloy sila sa paggawa ng gawaing bahay nagpapatunay lamang ito na magaling silang maglaan ng oras at magkumpleto sa iba’t ibang gawain. Wala silang pakialam sa sasabihin ng iba dahil kaya nilang patunayan na sila ay emotionally intelligent at alam nila paano alisin ang kanilang stress at iwasang maging emosyonal sa pagharap sa anumang bagay.
Magaling din silang makiramdam sa damdamin ng kanilang partner at pamilya. Sinabi pa ni Li na ang lalaking masipag sa gawaing bahay ay may healthier lifestyle dahil mas nabibigyan nila ng oras ang kanilang pamilya.
“Washing clothes, mopping floors, doing the dishes, these are all forms of exercises and they are great to be done especially after dinner,” ani Li.
“Don’t just sit on the sofa and watch television. After sitting in your office for a long time, it is best to move around by doing the household chores which will reduce your risk of getting cardiovascular disease,” dagdag pa niya.