OKLAHOMA, US – Hindi inaasahan ng isang 75-anyos na lalaki na wala na siyang maabutang asawa pagmulat matapos ang halos 100 araw na pagka-coma.
Kwento ni Russell Owens sa NBC-affiliate KFOR-TV, naisugod siya sa ospital matapos magpositibo sa COVID-19 at isang araw makalipas ay ang 73-anyos niyang misis na si Judy ang idinala rito.
Habang naka-ventilator umano siya ay na-coma si Judy dahil sa kidney failure at matapos ang dalawang linggo ay nagdesisyon ang kanilang mga anak na tanggalin na ang life support nito.
Noong Abril 5, nasawi si Judy habang patuloy na comatose si Russell, at matapos ang 99 araw hindi na nito naabutan pang buhay ang kanyang asawa.
Matapos mabawasan ng 70 pounds, nakarekober si Russell at tuluyan nang nakauwi ng bahay at aniya, ang pagbabalik ay hindi na tulad mula nang umalis siya rito noong buwan ng Marso.
Samantala, simula noong Hulyo 9, ay may 603 bagong kaso ng COVID-19 kaya mayroon nang kabuuang 18,496 kaso sa Oklahoma ayon sa kanilang Department of Health.
Naitala ito bilang ikalawa sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng virus sa buong USA.