Misting activity, isimagawa ng MDRRMO sa gitna ng pangamba ng COVID-19 sa bansa

Nagsagawa ng misting activties ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) bilang precautionary measures sa banta na din ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Partikular na pinuntahan ng mdrrmo ang u-belt o university belt kung saan gumamit sila ng liquid disinfectant bilang pamatay sa bacteria at viruses.

Mula sa Manila City Hall, inikot at nag-spray ang MDRRMO sa ilang bahagi ng Mendiola, Morayta at Recto Avenue.


Maging ang paligid ng Jose Reyes at San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz sa Maynila ay kanila din binugahan ng disinfectant.

Nabatid na sinimulan ng MDRRMO ang tinatawag nilang oplan wisik at oplan dilig simula pa kagabi kung saan plano nilang gawin ito gabi-gabi gamit ang disinfectant na wated based at organic.

Facebook Comments