Miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado sa Zamboanga City

Manila, Philippines – Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang nasa loob ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Zamboanga City.

 

Kinilala ni Supt. Ariel Huesca, commander ng zamboanga City Police station 11, ang suspek na si Amiltun Tammang na nagdadala rin ng pangalang Jaiton Abubakar alyas Nonoy at nahaharap sa kasong murder.

 

Ayon kay Huesca, miyembro ng Ajang-Ajang Group ang suspek na kumikilos partikular sa bayan ng Jolo.

 

Isinailalim sa tactical interrogation ang nadakip na bandido bago siya i-turnover sa korte.


Facebook Comments