Miyembro ng criminal gang, naaresto ng PNP-CIDG dahil sa ilegal na pagbebenta ng LPG sa Cebu

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang miyembro ng Criminal Gang dahil sa iligal na pagbebenta ng LPG sa Sitio Bonbon, Brgy. Poblacion, Pinamungajan, Cebu.

Sa ulat ng PNP-CIDG, ang naarestong suspek ay si Sherwin Isok habang nakatakas ang kasama nito na kinilalang si Randolf Umbay.

Sa operasyon, nakuha ng mga pulis ang 72 na tangke ng LPG at iba pang mga tangke ng Shine gas na sa kabuuan ay aabot sa halagang Php 33,814.00.


Sa pagiimbestiga ng PNP-CIDG, si Isok ay umano’y bagong miyembro ng Iñake Criminal Group na sangkoy sa iligal na pagre refill ng LPG sa Pinamungajan, Cebu at mga kalapit munisiplyo sa Western part ng Cebu Province.

Sa ngayon, nahaharap na ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Illegal Trade of Petroleum Products.

Facebook Comments