Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang miyembro ng Komunistang Grupo at kasamang isinuko rin ang kanyang mga armas at explosive device kahapon, Hunyo 5.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Lando/Pilot, 54-anyos a boluntaryong sumuko sa Kalinga Provincial Intelligence Branch (PIB), Regional Intelligence Unit (RIU) 14, PRO COR, Philippine Army, SU, NICA-CAR, Balbalan MPS, at Pinukpuk MPS at Sitio Angao, Barangay Ammacian, Pinukpuk, Kalinga.
Ayon naman sa pahayag ni PCol. Davy Vicente Limmong, tunay ngang ang kapulisan at security forces ay tinitiyak na maraming miyembro ng komunista at tagasuporta ang magbabalik makakapiling na ang kanilang pamilya ng payapa.
Isinuko ni Ka Lando ang 1 M16 rifle with Serial No. 9048846, 1 bandolier, 2 long magazines, 2 short magazines, 97 pieces with live ammunitions, 1 improvised explosive device (IED), 4 pieces Sodium Chloride, 10 pieces Surgitech, iba’t ibang uri ng gamot, 10 metrong haba ng detonating cord, 1 NPA flag, 2 IEDs (anti-personnel), at 1 CARHRIHL (Book).
Napag-alaman na si alyas Lando ay miyembro ng Squad Dos, Section Committee 2 (Marcial Daggay Command), Komiteng Larangang Guerilla (KLG) Baggas, ICRC (1st Quarter 2020-PSRTG listed) na pinamumunuan ni target CTL Kennedy Bangibang aka Akbar, CN CANDY (OJ2-ITA) na kabilang sa gumagalaw sa mga nasasakupang lugar sa bayan ng Pinukpuk, Balbalan, Lubuagan, Tinglayan at Tanudan maging sa buong Probinsya ng Kalinga.
Ang pagsuko ni Lando ay resulta ng pinaigting na pagbabantay at pagtukoy ng mga operatiba sa posibleng kuta ng mga komunistang grupo na kumikilos sa lalawigan.