Miyembro ng Maute terrorist group, patay matapos maka-engkwentro sa Marawi City

Manila, Philippines – Patay ang isang miyembro ng Maute group nang makaengkwentro ng militar sa sentro ng bakbakan sa Marawi City kaninang umaga.

Ayon kay AFP JTF Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner Jr. nagtangka sana tumakas mula sa main battle area ang napatay na maute pero nakita ito ng tropa ng militar habang nagsasagawa ng clearing operations.

Bukod dito nakakita rin ang militar ng 2 indibidwal nitong isang araw na nagtangka namang pumasok sa main battle area at isa dito napatay ng mga sundalo.


Posible aniyang tatangkain ng mga ito na iligtas ang iba pang terorista sa loob.

Sa ngayon ayon kay Brawner hindi pa nila tiyak kung ilan pa ang natitirang miyembro ng maute sa loob ng Marawi pero tiyak aniyang hindi na ito maituturing na seryosong banta sa seguridad ng Marawi City.

Facebook Comments