Weather Update

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Sogod, Southern Leyte.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Rob Gile, magdudulot ito ng katamtaman hanggang sa minsan ay malakas na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa kabisayaan, Bicol region at MIMAROPA.

Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Northern Mindanao at Caraga.


Uulanin din ang Quezon Province, Aurora at ilan pang bahagi eastern section ng Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon.

Magpapatuloy ang pag-ulan hanggang bukas habang binabaybay ng LPA ang kabisayaan.

Pero maliit ang tiyansa na maging ganap itong bagyo sa susunod na 24 oras.

Facebook Comments