Miyembro ng Muloc at Waning Abdusalam Group, patay matapos manlaban sa otoridad

70

Sa Zamboanga, miyembro  ng  Muloc  at  Waning  Abdusalam  Group  patay   matapos  magpaputok ito sa  mga otoridad habang  sineserve  sa kanya  ang  search  warrant  sa  barangay  mampang  dito sa lungsod  ng Zamboanga kaninang madaling  araw sa paglabag  nito sa R.A. 9516 .

Kinilala ang suspek bilang si Masdal Jakaria nakatira  sa  nasabing Barangay  .


Ng maramdaman  ni  Jakaria  ang  presencia  ng otoridad   bigla na lamang ito   nagpapaputok  , kung kayat pinutukan rin ito  ng otoridad  na natamaan   naman  a ng victima  na kanyang  agad  na ikinamatay  .

Nakuha  ng otoridad  sa lugar  ng insidente  ang  limang  blasting caps , detonating cord  ,  electric   wire  at isang unit ng  caliber  45 pistol  at mga basyo  ng  bala .

Si  Jakaria  di  umano sangkot  sa  ilang insidente  ng kidnapping  sa  Zamboanga  Sibugay  at  ibang  mga  lalawigan .

Tinurn over  naman ng otoridad ang  patay  na  katawan  ni  Jakaria  kay  Ustadz  Amri Muksin  para  sa paglibing nito base sa tradicion ng Islam.

Facebook Comments

From Advertisers