General Santos – Kinumperma ni Police Chief Inspector Benjie Anchita, hepe ng Alabel Municipal Police Station ang pagsuko ng isang 18 anyos na nagpakilalang miyembro umano ito ng New People’s Army (NPA) sa isang barangay official sa Barangay Alegria ng nasabing lungsod alas 5:00 ng madaling araw kamakalawa.
Ang nasabing lalaki ay kinilalang si Jojie Boy Lebucan, residente ng Prk. 1, Barangay Alegria.
Ito ay sumuko kay Barangay Councilor Cesar Lim.
Sinabi ni Libucan na dalawang buwan palang siyang sumapi sa NPA sa ilalim ng Guerilla Front 75 dahil na rin sa kanilang pangako na bigyan sya ng asawa at sila ay ipapakasal ng walang gastos dahil ang NPA ang sasagot nito.
Pero pagkatapos ng dalawang buwan, hindi naibigay ang pangako ng nasabing grupo kaya sya ay tumakas.
Hindi din nito nakayanan ang gutom at pagod habang nagtatago mula sa kamay ng mga sundalo ng gobyerno.
Samantala, sinabi ni PCI Anchita na iimbistigahan pa nila kung totoong kasapi ng mga rebelde si Lebucan para maiwasang sila ay maisahan ng ilang mga personalidad na gusto lang maka-avail ng binipisyo ng gobyerno na binibigay sa mga sumukong rebelde.