Miyembro ng pamilya Parojinog na napatay sa madugong raid sa Ozamiz City, nailibing na

Ozamiz City, Philippines – Nailibing na kahapon ang mga napatay na Parojinog sa naganap na raid sa Ozamiz City.
Dumalo sa funeral mass na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral ang mga kamag-anak ng Parojinog at kanilang mga tagasuporta na nakasuot ng puti at itim na damit.
Inihimlay ang labi ni Mayor Reynaldo Parojinog, Sr., asawa nito at dalawang kapatid sa Mount Malindang Memorial Park sa Ozamiz City.
Hindi naman nakadalo sa libing ang magkapatid na sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr. na nakakulong sa Camp Crame.

Facebook Comments