Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) ng kanilang mga tauhan sa Tubaran at Malabang, sa Lanao del Sur matapos isailalim ang dalawang bayan sa Commission on Elections o COMELEC Control.
Ayon kay MGen. Val de Leon ng PNP Directorate for Operations, ang dagdag na seguridad sa Tubaran at Malabang ay dahil sa posibleng pag-atake ng local terrorist groups.
Sa ngayon aniya ay pinaigting ng PNP ang mga checkpoint sa mga nasabing bayan.
Nakipag-usap na rin daw si De Leon kay COMELEC Chairperson Atty. Saidamen Pangarungan dahil sa plano ng local terrorist groups na isabotahe ang halalan.
Nakikipagtulungan din aniya ang PNP sa COMELEC sa pag-monitor ng iba pang mga lugar na may banta mula sa mga lokal na terorista.
Kasama aniya sa binabantayan nila ang extortion activities ng mga teroristang komunista sa mga kandidato sa eleksyon.