Miyembro ng sindikato na modus ang mangako sa mga biktima na maisasama sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda mula sa DSWD, timbog sa Cagayan de Oro City!

Iprinisinta sa virtual briefing ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ni Secretary Erwin Tulfo ang isang miyembro ng sindikato na nasa likod ng modus na mangolekta ng pera sa mga gustong mapasama sa listahan na makakatanggap ng ayuda mula sa DSWD.

Kinilala muna ng Kalihim ang arestado na si Alyas Jay Lagrimas.

Ang suspek ay inireklamo ng mga residente ng Cagayan de Oro dahil sa pangongolekta nito ng pera kapalit ang pangakong ililista ang mga biktima upang makatanggap ng ayuda mula sa DSWD.


Ani Tulfo, abot sa 14 -M ang kabuuang natangay ng suspek mula sa kaniyang mga nabiktima.

Modus ni alyas Jay na pangakuan ang nabibiktima na mapapasama sila sa listahan makakuha ng ayuda mula sa DSWD kapalit ng hinihingi niyang registration fee.

Kinokolektahan nito ng ₱500 ang bawat katao na gustong mapasama sa listahan ng makakakuha ng educational asaitance at ₱350 naman para sa mga gustong makakuha ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Isa sa mga complainant ang nakapansin na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ang suspek batau sa nakitang iba’t ibang ID nito sa kaniyang bahay.

Nagduda na ang complainant nang makita niya ang warning advisory ng DSWD sa kanilang FB page.

At nang tumawag ang complainant sa DSWD Field Office 10 Hotline,s dito na nila nalaman na walang ganung tao na nagtatrabaho sa kanila.

Dito na nagkasa ng joint entrapment operation ang Philippine National Police (PNP) at DSWD kung saan natimbog ang suspek sa Balulang, Cagayan de Oro City.

Payo ni Tulfo sa ibang nabiktima ng suspek na kikipag-ugnayan sa owtoridad at sa DSWD para sa pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments