Lifestyle check sa BOC at BIR officials, suportado ng mga senador

Manila, Philippines – Buo ang suporta nina Senators Chiz Escudero, Grace Poe, Win Gatchalian at Sonny Angara sa ipapatupad na lifestyle check sa mga taga Dept. of Finance, partikular sa mga taga Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Diin ni Escudero, para sa anti-corruption drive ng gobyerno ay dapat regular na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng BOC at BIR dahil sa revenue collecting agencies ang mga ito.

Giit naman Sen. Poe, dapat mabawi sa mga tiwaling opisyal ng BOC at BIR ang ibinulsa nilang pera ng bayan.


Ayon kay Poe, ang lifestyle check ay paraan para matiyak na mapupunta sa kaban ng bayan ang nakokolektang salapi ng nabanggit na mga ahensya.

Para naman kay Senator Gatchalian, dapat maging transparent at mailayo sa tukso ng pangungurakot ang mga kawani ng DOF.

Umaasa naman ni Sen. Angara na mapaparusahan ang mga taga BOC at BIR na mapapatunayang may kayamanan na hindi nakadeklara sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Facebook Comments