MMDA at mall operators, pinaghahandaan ang traffic sa paligid ng mall ngayong Christmas season

Nakipagpulong na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operator sa Metro Manila para paghandaan ang dapat gawin para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng mga shopping mall ngayong Christmas season.

Ayon kay MMDA acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III, inaasahan na ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall para advance na bumili ng mga pang-regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Paliwanag ni Dimayuga may mga planong dapat ipatupad ang mga mall operator para hindi magkasabay-sabay ang mga mamimili na naging sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng mga mall sa Metro Manila.


Inaasahan kasi ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila tuwing rush hours lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili.

Facebook Comments