Libreng sakay para sa mga dadalaw sa New Bilibid Prison, inilunsad ng BuCor

57

Inilunsad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang libreng sakay sa mga dadadalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nasa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ibig sabihin, hindi na kailangan maglakad ng mga dadalaw ng ilang kilometro o mag-arkila ng habal-habal para marating ang NBP kung saan nakapiit ang kanilang mahal sa buhay.

Dahil dito, ipinagbabawal na rin ng pamunuan ng BuCor sa mga dalaw ang paglalakad sa loob ng NBP.


Ayon kay BuCor Superintendent Eduardo Alipit Jr., may tamang pick-up at drop-up points sa mga sasakay na dalaw kabilang na sa Minimum Security Compound at Reception Diagnostic Center (RDC).

Ang proyektong ito ay inisyatibo ni BuCor Chief General Gerald Bantag para sa kaligtasan ng mga dalaw.

Facebook Comments