MMDA bumuo ng Metropolitan Public Safety Office

Bumuo ng Metropolitan Public Safety Office (MPSO) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tumutok sa disaster at emergency response ng ahensya.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, nakapaloob sa MPSO ang lahat ng unit ng ahensya na may kakayahang tumulong, maging handa at rumesponde sa tuwing panahon ng kalamidad o sakuna para sa kaligtasan ng publiko.

Kabilang na dito ang:


  • Public Safety Division
  • Road Emergency Group
  • Metro Manila Emergency Volunteer Corps
  • Metro Manila Crisis Monitoring and Management Cente
  • Rescue Battalion Headquarters and Disaster Preparedness Training Center

Bukod dito, magkakaroon din ng implementasyon para sa rehabilitasyon at relief operation kung saan tutulong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments